BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Friday, June 12, 2009

Economics

IBAT-IBANG KAHULUGAN NG EKONOMIKS SA MGA EKONOMISTA


Ayon kay Paul Samuelson

Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ang mga limitadong pinagkukunang yaman upang makagawa at maipamahagi ang ibat-ibang produkto at serbisyo sa mga tao at ibat-ibang pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at hinaharap.

Ayon kay Paul Wonnacott

Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano ang tao naghahanap-buhay, naghahanap ng pagkain at iba pa ng pangangailangang materyal. Binibigyang pansin ang mga suliraning pangkabuhayan sa pamamagitan ng pamamaraan kung paano malulunasan o mababawasan ang mga ito.

Ayon kay Roger Le Roy Miller

Ang mga kalagayan na nangangailangan ng kapasayahan kung paano, kailan, at saan gagamit ang sapat na pinagkukunang yaman.

Ayon kay Lloyd Reynolds

Ito ay ang pag-aaral na may kinalaman sa produksyon, pamamahagi at paggamit ng pinagkukunang yaman.

Ayon kay Gerardo Sicat

Ayon sa kanya ang ekonomiks ay isang makaagham na pag-aaral na tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang isang tao o lipunan. Maraming pangangailangan ang mga tao at pangkat ng lipunan at upang matugunan ito, may pinagkukunang yaman na dapat gamitin subalit hindi ito makasasapat sa pangangailangan at ang paggamit ay maaaring sa ngayon at bukas. Kaya naman ang tamang pagpapasya o pagpili ay isinasaalang- alang ang ngayon at bukas. Bukod dito ang paggamit ng likas na yaman ay may kakulangan ngunit may kaukulan na halaga at pakinabang na nangangailangan ng wastong kapasyahan.

Ayon kay Clifford James

Kabuuan ng nalalaman, bunga ng pakikipag-ugnayan ng tao sa pagnanais na magkakita sa kabuhayan.



KASAYSAYAN NG EKONOMIKS BILANG ISANG AGHAM PANLIPUNAN


Ang agham panlipunan ay tumutukoy sa pag-aaral kung paano ang tao ay nakikisalamuha sa kanyang kapwa tao at pangkat ng mga tao sa lipunan. Hindi ito makaaalis sa maraming isyu na nauukol sa tao at sa lipunan. Ngunit kakaiba sa mga experimental sciences tulad ng Physics, Chemistry at Biology ang agham panlipunan ay hindi makapag-experimento sa tao o sa isang laboratoryo. Ang magagawa ng ekonomiks bilang paggamit ng ekonomik model o teorya. Ito ay isang simpleng kinatawan o representasyon ng tunay na pangyayari sa daigdig na makakatulong upang maunawaan, maipaliwanag at mahulaan ang economic phenomenon sa tunay na pangyayari.

MAKROEKONOMIKS


Sangay ng Ekonomiks na pinag-aaralan ang mga kabuuan ng ekonomiya ng isang bansa.

Pag-aaral ng galaw ng ekonomiya sa kabuuuan, mga paksa, tulad ng pananalapi, implasyon, pamumuhunan, kawalan ng trabaho at GNP.


MAYKROEKONOMIKS

Ang salitang “micro” ay nagmula sa salitang Griyego na nangangahulugang “maliit”.Nakatuon ang pag-aaral ng maykroekonomiks sa maliliit na yunit ng ekonomiks.


MEKANISMO NG ALOKASYON SA ILALIM NG IBAT-IBANG SISTEMANG PANGKABUHAYAN

Sa sistemang demokrasya umiiral ang kapitalismo, sa komunista karaniwan ang sosyalismo at komunismo.

♣ Kapitalismo: Isang sistemang ang pagmamay-ari at mamahala ng mga salik ng produksyon ay iisa sa tao o kapitalista.


MGA DAHILAN NG IMPLASYON

◘ Kapag tumaas ang suplay ng salapi at tumaas din ang kita at demand kaysa produksyon,mahahatak pataas ang presyo.

♦ kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar dahil sa kakulangan ng dolyar na pumapasok sa bansa (suplay),bumababa ang halaga ng piso katumbas ng dolyar.Ang kailangan ay higit na maraming pisong kapalit sa dolyar.kaugnay nito,tataas ang presyo ng mga produkto at serbisyo.

♦ Nakaaapekto rin sa presyo ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa.kapag tumaas ang presyo ng langis sa pamilihang pandaigdig,tataas din ang presyo ng mga kalakal at serbisyo na inaangkat mula sa ibang bansa.Bunga nito,tataas ang gastos sa produksyon na magiging sanhi naman ng pagtaas ng presyo sa lokal na pamilihan,

♦ Kapag tumaas ang gastos sa produksyon,tataas din ang presyo ng nilikhang mga kalakal at paglilingkod.

♦ Kapag malaki ang gastos ng pamahalaan kaysa kita mula sa buwis,tataas ang suplay ng salaping kita at mahihila ang presyo ng mga kalakal at serbisyo paitaas



0 comments: